Gising Kaibigan

      Bente-tres na oras na lang ang hinihintay ng aking mata bago mangyari ang pinaka-aasam kong sandali.
      Mula sa pinakamaliit na litid ng aking mga mata ay aking nakikita ang direksiyon ng puting ulap at ang pabagu-bagong kulay ng kaitaasan na animo’y nagbabanta at nagsasabing malapit nang mangyari ang bagay na iyon.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko maabutan ang bagay na pinakaaasam kong makita. Na para akong isang nilalang na unti-unting tinutusok ng matutulis na bakal at unti-unting tinatakpan at pinuputol ang aking mumunting litid na dinadaluyan ng aking dugo na siyang halos nagpapatakbo ng aking paghinga na wari’y ayaw imulat ang aking mga mata at patayuin ako mula sa aking kinahihigaan.
      Bumangon, lumabas ng bahay at naglakad ako upang kahit man lng sandali ay mawala sa isip ko ang aking pinaghihimutok..lahat ng taong aking makakasalubong kahit di ko kakilala ay aking kinakausap. Naglakad ako sa ilalim ng galit na galit at nagliliyab na na araw na pakiwari ko ay gusto akong sunugin at gawing abo upang di ko na makita ang pinaka-aasam ko. Di ko na alam ang gagawin at di ko na kaya ang lakas ng hagupit ng init mula kay Haring Araw..unit-unting nang naglalabasan sa aking balat na animo’y isang dugo na siyang magiging dahilan ng aking pagkawalan ng kamalayan.
      Lumihis ako ng landas patungo sa isang lugar na kahit alam kong mayroong iba’t ibang klase ng nilalang ay sinigurado ko sa sarili ko na ito ang magiging panangga ko sa init ng hagupit ng araw.
      Sa paglapat ng aking likod sa mainit-init na sementong upuan ay parang may pwersang nag-udlot sa akin na ipikit ang aking mga mata at ang sumunod ay di na abot ng aking alaala. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang makabasag-tengang busina ng kakarag-karag na dyip. Bigla na lamang akong napatunghay ang aking ulo at nakakita ako ng isang tindahang hindi ko alam kung anong meron sa loob nito.Naramdaman kong natalo na at nawala na ang galit ng araw at tuluyan nang naglaho sa pagbuga ng maitim na kulay ng kalangitan. Napabaling ulit ang aking atensyon sa tindahang aking nakita. At naramdaman kong kinakain na ng aking malaking sikmura ang maliit kong sikmura na nag-uudlok sa akin na pumunta at pumasok sa pintong iyon.
      Nakakasialw na ilaw at di mabilang na nilalang ang aking nakita. Umupo ako sa isang bakanteng lamesa at nilapitan ako ng isang lalaking bigotilyo at ibinigay sa akin ang isang papel na puro pagkain ang nakalaman. Kumakalam na ang aking sikmura kaya sinabi ko sa lalaki na bigyan ako ng pansit at nakita ko sa isang bahagi na puro alak ang nakalista. Himingi ako sa lalaking bigotilyo na bigyan ako ng sampung alak. Sampung pulang kabayo ang aking hiningi kahit ngaun lamang ako iinom ng nakakalasing na inumin. Nakikita ko kc sa mga kapatid ko na ito yung iniinom nila kapag sila ay mayroong problema. Tinungga ko lahat upang aking makalimutan ng panandaliang panahon ang aking pinaghihimutok.
      Umiikot ang aking undo nang ako ay bumalik sa aming tahanan. Hindi ko na maalala kung anong oras yumapak ang aking paa sa harapan ng aming mumunting tahanan. At ang sumunod ay hindi ko na alam.
      Buwaaakkk!!… ito ang salitang lumabas sa aking nangingining na labi habang nakatungo ang aking umiikot na ulo sa labas ng aking bintana. Mapait..bigla kong naalala ang aking pinakamimithing makita. Napatingala ako habang umiikot ang aking mundo na wari’y nasa isang roleta ako sa perya. Sa pagtingala kong iyon sa kalangitan ay nasilaw ako sa tindi ng liwanag sa itaas. Sa pagtingala kong yaon  ay bigla na lamang umagos ang tubig mula sa bukal na nasa aking mga mata sa aking nakita. Ang aking pinakamimithing makita ay nakita ko na. Ang pagsikat ng araw.

Bookmark and Share

Leave a Reply